Skip to main content

Royal Commission tumugon sa COVID-19

Royal Commission tumugon sa COVID-19

Sinuspindi ng Royal Commission sa Karahasan, Pang-aabuso, Pagpapabaya at Pagsasamantala sa mga Taong may Kapansanan ang lahat ng mga kaganapan sa publiko hangga’t wala pang kasunod na abiso dahil sa pag-aalala sa pagkalat ng COVID-19 coronavirus.

Kasama dito ang mga pampublikong pagdinig sa:

  • nakaiskedyul na Edukasyon para sa susunod na linggo sa Brisbane, Queensland,
  • nakaiskedyul na Hustisya para sa Abril sa Brisbane, Queensland
  • Ang nakaiskedyul na First Nations People na may kapansanan para sa Mayo sa Alice Springs, Northern Territory.

Ang mga hakbang na ito ay kinakailangan dahil nga sa mga panganib sa kalusugan, lalo na sa mga taong may kapansanan.

Maaari pa ring patuloy na sabihin sa amin ng mga Tao (People) ang tungkol sa kanilang  mga karanasan sa karahasan, pang-aabuso, pagpapabaya at pagsasamantala. Magagawa nila ito sa pamamagitan ng pagtawag sa telepono, sa pagsulat o sa paggawa ng audio o video recording.

Magbibigay kami ng regular na pag-update sa aming website, newsletter at mga social media channel.